About Me

My photo
educator.learner.kids lover.pink addict.sweets eater.everybody's friend.

Wednesday, November 23, 2011

Pieces of Advice

  1. Be independent. Huwag masyadong umasa sa iba para hindi masumbatan.
  2. Decide for yourself. Ikaw ang may hawak ng buhay mo hindi ang ibang tao. Huwag matakot sumubok. Kung mag-fail ka man, no one is to blame. Huwag matakot magkamali. Hindi mo malalaman kung mali o tama ka kung hindi mo susubukan. Huwag mong ibase sa desisyon at opinion ng ibang tao ang buhay mo.
  3. Be confident. Magtiwala ka sa skills mo. Gamitin mo yun dahil sayang kung di mo mapapakita. Huwag mo isipin ang sasabihin o iisipin ng ibang tao. Kung alam mong tama ang ginagawa mo, panindigan mo. Lakasan mo ang loob mo. Kung may magcriticize sa’yo, hayaan mo lang. Accept the fact that you can’t please everybody and there are people who are better than you.
Maganda ka! Kung feeling mo pangit ka, isipin mo nalang ang mga taong may physical deformities, mga taong tinubuan ng kung anu-ano, may skin disease, may disabilities at yung mas pangit sa’yo. Isipin mo, maswerte ka pa rin. Maraming maganda sa mundo. Hindi ka dapat mainggit sa kanila. Hindi ka man kasing ganda, kasing yaman, kasing talino o kasing talented nila, ang isipin mo na lang walang taong walang kapintasan. May mga taong nagmamahal sa’yo kaya mahalin mo din ang sarili mo. May mga taong nagtitiwala sa’yo kaya magtiwala ka din sa sarili mo.
  1. Use your time wisely and productively. Bawal ang tamad! Huwag kang tutulog-tulog diyan. Sabi nga ni Vic Sotto, huwag tulog ng tulog dahil pag namatay ka, forever ka ng matutulog. Gawin mo yung mga bagay na gusto mo at hindi mo gusto pero kailangan. Okay lang naman magrelax, pero isipin mo din ang pag-asenso ng buhay mo. Hindi lang puro isip, kailangan mo din i-actuate. Hindi bukas o sa susunod na bukas, kundi ngayon. Mabilis ang usad ng oras. Sayang kung palalampasin mo ang bawat chance na binigay sa’yo dahil hindi na maibabalik yun. Kaya kumilos ka na kung ayaw mo magsisi.
  2. Focus. Alam ko marami kang gustong gawin pero huwag mong lituhin ang sarili mo. Set your priorities. Kung nasaan ka ngayon, dun ka magfocus. Don’t jump into something kung hindi ka pa tapos sa isang bagay. Huwag mong madaliin ang lahat. Kahit life is really too short, make sure naman na may naaccomplish ka hindi yung sinubukan mo nga lahat, puro unfinished business naman. Huwag kang mabuhay sa regrets and what ifs. Isipin mo ang mga bagay na nagawa mo sa hindi  mo nagawa. Magconcentrate ka dun and improve it. Ituloy mo lang kung nasaan ka ngayon. Lahat ng nangyayari sa’yo ay para sa’yo. Kung feeling mo walang nangyayari sa buhay mo, isipin mo kung ano ka noon at ano ka ngayon. Sa bawat araw na lumilipas, hinahanda ka ng Diyos para sa isang pagsubok na magpapatibay at magpapaunlad sa’yo.  Mangarap ka at planuhin mo kung paano mo maisasakatuparan ito. Realistic and behavioral dapat. Hangga’t maaari walang plan B,C,D… kasi malabong ibigay mo yung best effort mo kung alam mong may reservations ka.
  3. Optimism is another best policy. Huwag ka magpaapekto sa mga hindi magandang nangyayari sa paligid. Ang daming magagandang nangyayari sa buhay mo, yun ang isipin mo. Lumayo ka sa mga taong walang sinasabi kundi puro negatibong bagay. Issue dito, issue doon. Stressors yang mga yan. Magkakasakit ka lang. kung ano man yung masamang sinasabi nila sa’yo, isipin mo na ang bawat lumalabas sa bibig ng isang tao ay sumasalamin sa kanyang pagkatao at buhay. Gawin mo ang mga bagay na may conviction at claim for success.